Nanawagan ang ilang faney sa ABS-CBN na bawasan na ang host ng “It’s Showtime” upang makatipid sa gitna umano ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng pamilya Lopez tungkol sa magiging direksiyon ng Kapamilya Network matapos mawalan ng prangkisa noong 2020.
Ayon sa ilang fan, tila sobra raw ang dami ng mga host kumpara sa mga segment na ipinapakita sa show.
May mungkahi rin ang ibang viewers na panatilihin na lamang ang ilan sa mga kilalang hosts gaya nina Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Amy Perez, Karylle at Jackie Gonzaga para mas maging maayos ang daloy ng show.
“It’s about time they cut down on the hosts who don’t even contribute to the show. Way too many getting paid, but only 2 segments. And the prizes are so low. They could probably keep Vice, Anne, Jhong, Vhong, Amy, Karylle, Jackie as the ones left on It’s Showtime. They should cut down too,” saad ng X user na si @KJ1988JP.
Dagdag pa ng ilang faney, maging ang “Pinoy Big Brother” ay maaaring pag-isipan din ang format nito.
Ayon sa kanila, sa ibang bansa gaya ng US at iba pang Big Brother franchise, iisa lamang ang host.
“Bianca, Melay, and Alexa could do it for ABS-CBN, and Gabbi with Michael Sager for GMA,” sabi pa ni @KJ1988JP.
“Yung ABS-CBN ang dami actually nilang artists pero sinisiksik sa iisang palabas. Marami silang pwedeng gawin sa artists nila. They can actually utilize it and make different shows. May mga younger artists din sila na pwede naman maging host,” pagsang-ayon naman ni @BaiFinger7.

Share.