Naaresto ng Caloocan pulis ang dalawang lalaki makaraang magpaputok ng baril at nakuhanan pa ng mahigit P2.7 milyong halaga ng shabu sa nasabing lungsod

Sa natanggap na ulat ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, mula kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na alas-7:25 ng umaga nang respondehan ng mga tauhan ni Police Sub-Station 6 Commander P/Maj. Valmark Funelas ang natanggap na reklamo hinggil sa nangyaring pagpapaputok ng baril sa Del Rey, Brgy., 163 ng lungsod.

Pagdating sa lugar, sinamahan ang mga pulis ng Ex-Officio ng nasabing barangay na siyang nag-ulat sa insidente hanggang makita nila ang dalawang lalaki na kapwa umanong may bitbit na baril.

Nakumpiska kay alyas “Rolly”, 51, ang isang kalibre .9mm pistol na may limang bala sa magazine at apat knot tied transparent plastic na naglalaman ng nasa 400 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720.000.00 habang nakuha naman kay “Manny”, 55, driver, ang isang kalibre .45 pistol na may apat na bala sa magazine at isang basyo ng bala.

Kasama ring inaresto si alyas “May”, 41, dahil sa kasong Obstruction of Justice nang tangkain pigilan ang mga pulis sa pag-aresto sa kanyang asawang si ‘Rolly’.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong Indiscriminate Discharge of Firearms, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (RPanizal)

 

 

 

Share.