Natupok ng apoy ang hilera ng mga bahay malapit sa may Zapote Market sa Barangay Zapote Dos sa Bacoor City, Cavite.
Ayon sa Bureau of Fire Protection- Bacoor, sumiklab ang sunog 4:30, Huwebes ng hapon na mabilis na iniakyat sa ikatlong alarma makalipas ang 40 minuto.
Sa laki ng sunog, nadamay din ang barangay hall at ilang mga tindahan sa lugar.
Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa sunog na naapula, alas otso ng gabi.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog at kung ilang pamilya ang naapektuhan.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

