Nagbunyi ang buong New York matapos ihatid ni Jalen Brunson ang kauna-unahang NBA championship ng sa loob ng 53 taon.
Sa victory parade na dinaluhan ng mahigit isang milyong tagahanga, nagbigay ng mensahe si Brunson para sa mga taong nagduda sa kanyang kakayahan bilang lider ng koponan.
Ayon sa Finals MVP, hindi na niya kailangang patulan ang mga kritiko dahil napatunayan na niya ang kanyang halaga sa pamamagitan ng pagkapanalo ng kampeonato.
Isa sa mga naging kritiko noon ni Brunson ay si dating WNBA star at coach Becky Hammon na nagsabing hindi mananalo ng titulo ang Knicks kung siya ang pangunahing bituin ng koponan.
Gayunman, naging inspirasyon umano kay Brunson ang mga naturang komento habang pinangungunahan niya ang koponan sa makasaysayang kampanya.
Kasama ng kanyang mga kakampi, tinanggap ni Brunson ang susi ng lungsod mula kay New York Mayor Zohran Mamdani bilang pagkilala sa kanilang tagumpay sa NBA.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

