Patuloy na lumalakas pa ang Bagyong Francisco habang kumikilos pa-kanluran, hilagang kanluran.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang Bagyong Francisco sa layong 715 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 170 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, northeastern portion ng Cagayan (Gonzaga, Santa Ana) kabilang ang eastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Didicas Is., Camiguin Is.,).
Mananatili sa Philippine Sea ang bagyong Francisco at posibleng lumapit sa Extreme Northern Luzon.
Sa kabila nito ay hindi pa rin inaalis ang posibilidad na kumilos ito pa-kanluran.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo pagsapit ng Biyenes, Hunyo 26.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

