Natuklasan ang isang bagong species ng palaka sa lalawigan ng Romblon, partikular sa mga kagubatan ng Sibuyan Island at Tablas Island.
Ayon sa ulat ng PIA Romblon, ang bagong uri ng palaka ay tinawag na Platymantis guiting, na ipinangalan sa Mount Guiting-Guiting.
May sukat ito na humigit-kumulang 14 millimeters lamang at itinuturing na isa sa pinakamaliit na naitalang palaka sa bansa.
Natatangi rin ang species dahil sa mas maiikling mga paa at kakaibang pagtawag o mating call na tila paulit-ulit na pag-click.
Batay sa mga mananaliksik, ito ay endemic o tanging matatagpuan lamang sa Romblon, na nagpapakita ng mayaman ngunit hindi pa ganap na nadodokumentong biodiversity ng mga isla sa Pilipinas.
Unang naitala ang naturang species noong 2004 ngunit kamakailan lamang ito opisyal na kinumpirma bilang hiwalay na species matapos ang halos dalawang dekadang pag-aaral at pagsusuri ng mga eksperto.
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

