Hindi na nakapagtimpi si Awra Briguela, niresbakan na niya ang pambabarag sa kanya ng isang university professor.
Nakatanggap kasi ng panlalait mula sa isang propesor si Awra.
Napag-alamang nagtuturo sa Universidad de Manila ang transphobic na kritiko ng komedyante.
Tinawag kasi nito si Awra–a proud transgender–na “babaeng may b*rat.”
Resbak ni Awra: “As a professor, you are expected to uphold professionalism, respect and basic human decency.
“Educators should serve as role models and create safe spaces for students, not contribute to online bullying, humiliation and discrimination.
“What he did was completely unacceptable and disappointing coming from someone in a position of aurhority.”
Ang mas nakakabahala pa daw, nakakatangggap si Awra ng mga mensahe mulq sa ibang tao’t kapwa mag-aaral tungkol sa mga negatibong karanasan nila sa nasabing college professor.
Hindi daw isolated ang kanyang kaso.
Sa ngayon, pinag-iisipan na daw ni Awra na idulog ang kaso sa pamunuan ng university na pinagtuturuan ng propesor.
Nangangalap din daw siya ng mga salaysay na nakaranas ng “inappropriate treatment” mula sa propesor.
“Accountability is important especially for people entrusted to educate and influence students,” ani Awra.
Ang lahat daw ay deserving magkaroon ng dignidad.
Go, Awra…ikaw naman ang magturo ng leksyon sa propesor!
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

