Arestado ang isang auditor na 28 taong nagtago sa kasong pagnanakaw sa Las Piñas City ng Southern Police District-Special Operations Unit (SPD-SOU).
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Belmin’, 58 taong gulang, na naaresto kamakailan sa kaniyang tahanan sa Pilar Village.
Katuwang sa pagdakip ng SPD-SOU at iba pang unit nito ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Baguio City Field Unit .
Sa report, ang auditor na si Belmin ang no. 3 most wanted person sa regional level ng CIDG Regional Field Unit (RFU) 14 at No. 2 sa provincial level ng CIDG Baguio Field Unit.
Dinakma ang suspek batay na rin sa warrant of arrest na inilabas sa Regional Trial Court Branch 3 ng Benguet, Baguio City noong Hunyo 9, 1997, kaugnay sa kasong robbery.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

