Magbibigay ng full scholarship hanggang kolehiyo ang Ateneo de Davao University para sa anim na kapatid ng basketbolistang si Rene Clert Baterbonia, ayon sa pamunuan ng unibersidad.
Inanunsyo ito ni University President Fr. Karel San Juan, SJ matapos ang isinagawang misa bilang pagkilala kay Baterbonia nitong Sabado.
“Bunga rin po ng aking kuwentuhan kay mama’t kay papa ngayong hapon na isa sa mga pangarap po ni Bobet ay matutupad. ‘Yung pangarap na nagdala po sa kanya sa Maynila at iwan ang kanyang pamilya rito sa Davao. Ang pangarap niya na ang kanyang mga kapatid, anim niyang kapatid… ay bibigyan po ng scholarship,” ani San Juan.
Handa rin aniyang tumulong ang ibang Ateneo school, tulad ng Xavier University sa Cagayan de Oro, ngunit pinili umano ng ina ng yumaong atleta na sa Davao na lamang dahil mas malapit ito sa kanilang tahanan sa Agusan del Sur.
“Tuloy po natin ang pagdarasal sa pamilya po ni Bobet… wala na po siya, pero bubuhayin po natin si Bobet sa pamamagitan ng pangarap niya sa kanyang mga minamahal sa buhay,” dagdag niya.
Nasawi si Baterbonia noong Hunyo 8 matapos malunod sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora.
Trending
- Madriaga, Lachica at Nolasco inalis ng prosekusyon bilang witness sa impeachment trial
- SC sa Ombudsman: Magsampa ng reklamo sa tiwaling hukom kung may ebidensya
- 6,253 na kaso ng leptospirosis sa bansa
- Pag-iisyu ng arrest warrant vs VP Sara kinondena
- Tony Parker, iba pang basketball icons pinainit ang NBA House Philippines 2026
- Naomi Osaka agaw-eksena bago ang unang laban sa US Open
- 8 pelikula, na-shortlist sa 99th Oscars
- Liza, balik-Pinas, sumakay ng jeep

