Balik-court na ngayon ang Ateneo de Manila University Blue Eagles matapos ang halos dalawang buwang pahinga kasunod ng trahedyang ikinasawi ng dalawang manlalaro ng koponan na sina Rene “Bobet” Baterbonia at Divine Adili.
Ngayong araw August 16,2026, nakaharap ng Blue Eagles ang Phoenix ng Our Lady of Fatima University (OLFU) sa Pinoyliga Collegiate Cup: The Big Dance.
Kasama rin sa torneo ang mga koponan mula sa De La Salle-College of Saint Benilde, University of Santo Tomas at Mapúa University.
Pinangunahan ng bagong head coach ng Ateneo Blue Eagles na si Louie Alas matapos nagbitiw sa puwesto ang dating couch na si Tab Baldwin kasunod ng trahedya sa team-building activity ng koponan sa Aurora.
Nakatakda ring sumabak ang Ateneo sa UAAP Season 89 na magsisimula sa Setyembre.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

