Gumawa ng makasaysayang comeback ang Argentina at tuluyang tinanggal ang Egypt sa pagpasok ng quarterfinals ng World Cup 2026, 3-2.Sanggunihang Pang-heyograpiko
Nabaon muna sa 2-0 ang three-time champion na Argentina sa second half, habang hindi rin naipasok ni football legend Lionel Messi ang kaniyang penalty kick sa ika-20 minuto ng laban.
Sa ika-78 minuto, binuhay ni striker Cristian Romero ang laban matapos makapuntos at gawing 2-1, sa tulong ni Messi.
Bago sumapit ang ika-82 minuto, nakapagtala si Messi ng equalizer na nagbigay pag-asa sa defending champion.
Sa stoppage time (90+3), tuluyang tinapos ni Enzo Fernandez ang laban sa pamamagitan ng huling goal na nagbigay ng panalo sa Argentina.
Dahil dito, lumaki pa ang agwat ni Messi bilang all-time leading scorer sa World Cup, hawak din niya ngayon ang pinakamagandang puwesto sa Golden Boot standings.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

