Inilista sa “questionable” ang status ni Minnesota star Anthony Edwards sa unang laro nila sa second round ng playoffs nila ng San Antonio Spurs.
Ayon sa koponan na iniinda pa rin ni Edwards ang kaniyang injury sa kaniyang kaliwang tuhod.
Natamo nito ang injury sa game four ng laban ng Timberwolves sa first round ng playoffs kontra sa Denver Nuggets.
Dahil dito ay hindi na siya nakapaglaro pa ng dalawang laro hanggang makapasok sila sa iklawang round ng playoffs.
Ang pagbabalik ni Edwards ay isang malaking bala para sa Timberwolves laban kay Victor Wembanyama ng Spurs.
Bukod kay Edwards ay hindi makakapaglaro si Donte DiVincenzo na nagtamo rin ng ruptured right Achilles tendon.
Kasama rin na kuwestiyonable sa paglalaro si Ayo Dosunmu dahil sa pamamaga ng kaniyang right calf.
Trending
- Wowen’s football ng North Korea dadayo sa South Korea
- Anthony Edwards kuwestiyonable para sa game 1
- Tuesday Vargas umapela ng suporta
- Heart, umayuda sa mga batang may genetic blood disorder
- Sofia Trazona, ibinalandra ang ‘cocomelon’
- 1 pulis patay, 4 sugatan sa engkuentro
- Anti-political dynasty, LEDAC measures nakapila
- Seguridad sa trabaho at proteksyon sa scam

