laapela ni Anjo Yllana ang natalo niyang kaso laban sa TVJ Productions.
Sa vlog interview ni Ogie Diaz, hindi nangiming inamin ni Anjo na nabibigatan siya sa itinakdang danyos ng korte.
Pinagbabayad si Anjo ng Mandaluyong City RTC ng P3.5 million–bagay na pinalagan niya.
Reklamo ni Anjo: “Pakiramdam ko kasi, may pinatay ba ako? Meron ba akong ninakaw?
“Meron ba akong nilapastangan? Meron ba akong ni-rape?
“Meron ba akong binugbog? Ano ba’ng kasalanan ko?
“Ano ba’ng nagawa ko sa inyo? Tinatanggap kong guilty ako.
“Kung nasaktan ko kayo, guilty ako. Pasensya na.
“Pero ‘yung parusa, parang hindi ko matanggap.”
Bagama’t cool pa din si Anjo sa kanyang pagpapaliwanag, obyus na mukha siyang nai-stress.
Kulang na lang ay lumuhod at magmakaawa siya sa TVJ.
Ang tanong–lumambot kaya ang puso ng mga taga-Eat Bulaga?
At kung sakali man, Anjo will still have to pay what the courts orders him to do.
=====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

