Nabiktima ng “basag-kotse” ang aktor na si Andrew Muhlach, kapatid ng veteran actor na si Aga Muhlach.
Sa Facebook post ni Andrew nitong April 26 ng umaga, ibinahagi niyang “first time” niya itong ma-experience.
Kabilang sa natangay ng magnanakaw ang dalawa niyang passport.
Nangyari ang insidente sa 8th Street, New Manila, Quezon City.
“First time to nangyare sakin. Sa nag nakaw ng bag for sure kilala niyo ako dahil andyan dalawa kong passport. May chance pa kayo ibalik lahat yan,” ani Andrew.
“Anyway wala na ako masabi kundi mag ingat nalang tayo sa susunod. Pati na rin kayo double ingat lang tayo Daming epal sa mundo,” aniya pa.
Nasa ilalim si Andrew ng Viva Artists Agency. Ilan sa mga pelikula niya ang “Squad Goals” at “Working Boys 2: Choose Your Papa”.

Share.