Putok na putok na sa social media ang tsikang may namamagitan na kina Andres Muhlach at Kai Montinola.
Nagsimula muna ito sa blind item.
Ayon sa tsika, may dalawang young stars ang nagkakamabutihan.
The problem, magkaiba sila ng kinabibilangang affiliation.
Viva talent si Andres, samantalang Star Magic artist si Kai.
Balitang kahit ang dalawa—gustuhin man nilang magsama sa proyekto—ay imposibleng mangyari.
One network wants Andres and Kai to star in a teleserye—na tinanggihan umano ng Viva.
Similarly, isang pelikula sana ang inihahanda para sa kanila—pero tinabla ng kampo ni Kai.
Ayon pa sa balita, balitang gusto ni Andres na ilipat si Kai sa ibang management agency.
Kai’s parents, however, were against it dahil sa pagtanaw ng utang na loob sa Star Magic.
Sa ngayon, walang reaksiyon mula kina Andres at Kai.
Siyempre, first things first—are they now a couple?
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

