Sa kabila ng murang edad at mga pinagdaanan sa lovelife, aminado si Andrea Brillantes na pangarap pa rin niyang magkaroon ng sariling pamilya balang araw.
Ayon kay Andrea, hindi pa rin nawawala ang paniniwala niya sa tunay na pagmamahal kahit ilang beses na siyang nasaktan at dumaan sa kontrobersyal na relasyon.
“Ayaw ko kasi umabot sa point na hindi na ako naniniwala sa love,” sey ng aktres.
Inamin din niyang isa talaga sa pinakamalaking pangarap niya ang makasal at magkaroon ng anak balang araw.
“I want to be a bride, I want to be a mom,” emosyonal niyang pahayag.
Dagdag pa ni Andrea, bukas pa rin daw siya sa pagbibigay ng chance sa pag-ibig dahil gusto niyang maranasan ang magkaroon ng sariling pamilya sa tamang panahon.
“So I always give chances,” aniya.
Gayunman, nilinaw ng aktres na hindi naman siya desperadong magkaroon ng boyfriend at kaya naman niyang mabuhay kahit wala nito.
“So I can live naman without a boyfriend,” dagdag pa niya.
Sa ngayon, masaya si Andrea sa relasyon nila ng boyfriend niyang si Franchesko Juan Capistrano habang patuloy niyang tinutupad ang kanyang mga pangarap sa career at personal na buhay.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

