Lantaran na kahit sa publiko ang romansa nina Andrea Brillantes at basketball athlete na si Franchesko “Kiko” Capistrano.
Sa isang event sa Rizal, magkasama ang dalawa at binuhat pa ni Kiko si Blythe pagbaba ng aktres sa pick-up truck.
Walang nangahas na alalayan si Andrea at solo lang na hinawakan ni Kiko ang beywang ng kasintahan.
Wapakels naman si Andrea na ipakita ang kanyang appreciation kay Kiko, nang hawakan nito sa magkabilang pisngi ang boyfriend bilang pasasalamat.
Bukod dito, sinamahan rin ni Kiko si Andrea sa motorcade at magkatabi silang naupo sa pick-up truck.
Seryoso naman sa kanyang expression si Kiko sa pagbabantay kay Andrea.
Walang duda na proud ang basketbolista sa pagkakaroon nito ng hindi lang ubod ng gandang dyowa, kundi napaka-sexy pa.
Litaw ang makitid na beywang ni Andrea sa two-piece OOTD nito. Nakaluwa rin ang kanyang malusog na mga bundok sa sando at legs sa maikling skirt.
Hindi pinabayaan ni Kiko na bakuran ng iba si Andrea. Hanggang sa paglalakad patungong stage hawak-hawak nya ang kamay ng girlfriend.
Syempre, pagdating sa entablado hanggang gilid na lang si Kiko.
Event ito ng mga babae o iba pang stars na kasama sa programa.
Support lang ang eksena ni Kiko kay Andrea para mayroon lang emotional security ang aktres.
Hindi na dapat pagtakhan kung sa mga susunod pang mga event ni Andrea, karay-karay na nya si Kiko.
Parang si Kiko na ang plus one ni Andrea sa mga pinupuntahan at kahit sa mga ganap nito abroad, gaya ng pagpunta nito sa South Africa para sa brand na Guess, kung saan nandoon rin ang basketbolista.
Trending
- EALA DISKARIL SA BERLIN OPEN, SABAK SA HOMBURG
- Gymnast ng Pilipinas handa na sa Asian Championships sa China
- John Estrada ibinuking tunay na ugali ni Daniel Padilla
- Sharon Cuneta rumesbak sa ‘Maleta Boys’
- Andrea Brillantes binakuran ng dyowang basketbolista
- Pampang ng ilog gagawing parke sa Manila Bay rehab
- DOJ inilunsad bagong prosecutors manual
- Pinas walang inaangkat na sariwang ube

