Umangat ng apat na puwesto si Alex Eala sa pinakabagong Women’s Tennis Association (WTA) rankings na inilabas nitong Lunes, Mayo 18.
Mula No. 42, nasa No. 38 spot na ngayon ang Pinay tennis star kasunod ng kanyang kampanya sa Italian Open, kung saan umabot siya sa Round of 32 bago natalo kay World No. 2 Elena Rybakina.
May kabuuang 1,340 ranking points na ngayon si Eala matapos makakuha ng karagdagang 55 puntos.
Sunod niyang haharapin si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine sa pagsisimula ng kanyang kampanya sa Strasbourg Open ngayong araw.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

