BALAK ng Filipino tennis ace na si Alex Eala na muling sumabak sa Asian Games sa Japan ngayong Setyembre, puntirya ang gold medal finish.
Nag-debut si Eala sa Asian Games sa China noong 2023 noong siya ay 18 taong gulang.
Nakapasok ang lefty netter sa semifinal at nakuha ang bronze medal.
Nakuha rin ni Eala ang bronze medal sa mixed doubles kasama si Francis Casey Alcantara.
Ipinaliwanag ng 21-anyos kung bakit siya nag-eenjoy na makipagkompetensya para sa Pilipinas sa mga regional multisport events tulad ng Asian Games o Southeast Asian Games.
“Well, it’s always an honor. I think it’s different when you play in the Southeast Asian Games or in the Asian Games or in the Olympics. I think it’s different,” wika ni Eala.
Noong Disyembre sa Thailand, naglaro si Eala para sa Pilipinas at tinapos ang 26-taong tag-tuyot sa gintong medalya ng bansa sa women’s singles sa SEA Games.
Samantala, sasabak si Eala sa WTA 1000 Cincinnati Open na nakatakda mula Agosto 8 hanggang 23 sa Ohio, Estados Unidos.
Nasa listahan na si Eala sa website ng torneo.
Ang Cincinnati ang magiging ikatlong torneo ni Eala sa North American hard court swing pagkatapos ng 500 Mubala DC Open at 1000 Canadian Open.
Trending
- Zsa Zsa, ginunita ang 14th death year ni Dolphy!
- Mariel, nagsuot ng doctoral regalia sa graduation
- Ate Gay, nakitaan uli ng bukol sa leeg, naagapan
- Mas mataas na reputasyon ng mga marinong Pilipino
- Pilipinas umangat sa global startup rankings
- Saging nagpatibay sa export sa New Zealand
- Confidential funds ni VP , pinakamahabang tatalakayin
- 4 grupo, may kilos protesta sa SONA ni PBBM

