Muling magtatambal sa tennis court sina Alex Eala at US icon Venus Williams sa Mubadala DC Open na gaganapin sa Washington, DC.
Kabilang kasi ang dalawa sa star-studded na doubles lineup sa nasabing torneo kung saan kasama nila ang 18 Grand Slam doubles at mixed doubles champions sa ATP at WTA tours.
Unang nagsama ang dalawa sa Bad Homburg Open noong nakaraang buwan kung saan nagwagi sila laban kina Alexandra Osborne at Catherine Harrison sa first round.
Subali’t tinalo sila sa quarterfinals nina Olivia Nicholls at Tereza Mihalikova.
Nakatakdang magsimula ang Mubadala DC Open sa darating na Hulyo 25 hanggang Agosto 2.Mga Piyesta Opisyal at Pampanahong Kaganapan
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

