Mabilis na nakabawi ang Filipina tennis star na si Alex Eala mula sa kanyang naunang kabiguan matapos dominahin si Priscilla Hon, 6-0, 6-2, upang umabante sa ikalawang round ng Birmingham Open sa Great Britain nitong Martes, June 2 (oras sa Pilipinas).
Kontrolado ni Eala ang takbo ng laban at bagama’t nagpakita ng kaunting pagbuwelta ang katunggali mula sa Australia, napanatili pa rin ng pambato ng Pilipinas ang kanyang lakas sa unang pagsabak sa grass court season.
Ang panalong ito ay matamis na pagbawi para kay Eala na galing lamang sa pagkatalo sa first round ng doubles kasama ang kanyang Czech partner na si Nikola Bartunkova.
Dahil sa tagumpay na ito, nakatakdang harapin ni Eala sa susunod na round ang mananalo sa tapatan nina Greet Minnen at Alina Charaeva na kasalukuyan pang naglalaro habang isinusulat ang balitang ito.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

