Inamin ni Beauty Gonzalez na siya ang tipo ng babaeng prangka.
Kapag may gusto o ayaw daw siya, ay sinasabi niya ito nang harapan.
Katunayan, ang kanyang pagiging prangka minsan ang nagpapahamak sa kanya.
Mabuti na lamang daw at maganda siya at nalulusutan niya ang mga gusot.
Sey pa niya, hate raw niya iyong naninira ng kapwa sa harap niya.
Inispluk din niya na may naka-eksena siyang aktor na mabaho ang hininga.
Binigyan daw niya ito ng mint candies, pero sinabi raw nito na hindi nito kailangan ang mouth freshener para sa kanilang maselang eksena.
Nagbigay din siya ng clue tungkol sa nabanggit na aktor na nagsisimula ang pangalan sa letrang A.
Sa naturang podcast, naikuwento rin niya ang naging papel ng best friend niyang si Ellen Adarna sa pagtatagpo nila ng partner na si Norman Crisologo.
Hirit pa niya, ito rin daw ang nag-udyok sa kanya na huwag nang pakawalan pa ang mister dahil magiging mapalad siya sa piling ng tanyag na artist.
Ito raw ay kabaligtaran sa kapalaran niya sa ex, kung saan naging ‘sugar mommy’ ang papel ng aktres, ani Ellen.
Si Beauty ay nasa cast ng seryeng “House of Lies” kung saan kabituin niya sina Mike Tan, Kris Bernal at Martin del Rosario.
==
Trending
- Alden Richards naluha sa National Teacher’s Day
- Alex Eala sa Chanel Show
- Jasmine Curtis-Smith bida sa “We Could Be In Love”
- Grandmaster Engr. Asi Ching nakatutok sa Top 5
- Philippine team Asiad Heroes pinarangalan
- NCAP hindi ipatutupad sa Valenzuela City
- LIWLIWA BEACH SA ZAMBALES IDINEKLARANG DANGER ZONE
- TATLONG MOST WANTED SA BATAAN, ARESTADO

