Maraming dahilan para maging thankful si AJ Raval sa kanyang kaarawan ngayong September 4, lalo na sa mga taong naglaan ng oras para iparamdam sa kanya na espesyal ang araw na ito.
Sa isang social media post, ibinahagi ng aktres ang kanyang appreciation sa mga taong personal na bumati sa kanya, pati na rin sa mga nagpadala ng mensahe, tumawag at nag-post para sa kanyang birthday.
“Thank you so much to everyone who remembered my birthday and took the time to greet me! Sa mga nag-message, tumawag, at nag-post, sobrang na-appreciate ko po kayo. You made my day extra special,” pahayag ni AJ.
Hindi lamang mga birthday greeting ang ipinagpasalamat ng celebrity mom.
Sa pagharap niya sa panibagong taon ng kanyang buhay, mas binigyang-halaga niya ang mga biyayang mayroon siya, kabilang ang kanyang pamilya at ang pagkakataong patuloy na mabuhay.
“Another year, another reason to be grateful. Thank You, Lord, for the gift of life, for my family, and for all the blessings,” saad niya.
Muli namang nagpaabot ng pagmamahal si AJ sa lahat ng nakibahagi sa kanyang celebration at nagparamdam sa kanya ng suporta.
“Thank you for making me feel loved. Love you all!” dagdag ng aktres.
=====
Trending
- Noli Eala may ‘big reveal’ sa plano ni Alex
- Mag-utol na Serena at Venus Williams bigo sa women’s doubles ng US Open
- Lovi Poe nilinaw ang sikreto sa toned abs ilang linggo matapos manganak
- AJ Raval, touched sa effort ng mga bumati sa kanyang birthday
- Sharon Cuneta ibinunyag ang dalawang bagay na nagpapagalit sa kanya
- 37 tumanggap ng secret funds mula sa OVP, patay na – PSA
- Ex-Sen. Manny Pacquiao, itinalagang gabinete, hepe ng NAPC
- Puganteng Koreano wanted sa fraud arestado

