Patuloy na nakikipagbuno ang ABS-CBN sa hamon ng industriya matapos mawalan ng prangkisa noong 2020.

Sa unang kalahati ng 2026, nagtala ang kompanya ng ₱1.83 bilyong net loss, higit doble kumpara sa parehong panahon noong 2025. Bumaba rin ng 17% ang kabuuang kita na umabot lamang sa ₱6.88 bilyon.

Gayunpaman, nananatiling matatag ang pamunuan sa pagbabalik-loob ng kompanya. Malaki ang naibawas sa utang — mula ₱20.5 bilyon noong 2019, nasa halos ₱8.5 bilyon na lang ito ngayon. Bukod dito, nakatakdang magtaas ng ₱6 bilyong equity infusion mula sa Lopez group at I&C Holdings upang palakasin ang operasyon.

Pero patuloy ang tagumpay ng ABS-CBN sa global stage.

Ang P-pop group BINI ay umabot na sa 2 bilyong streams, nakapag-perform sa Coachella, at nakakuha ng DreamWorks soundtrack deal.

Ang pelikulang The Silent Noise (Amazon Prime) ay nagwagi ng Best Asian Content sa Global OTT Awards.

Ang Sosyal Climbers (Netflix) ay pumasok sa global top 10 ng non-English films.

Sa lokal, tatlong pelikula ng Star Cinema ang nanguna sa takilya noong 2025 na may kabuuang ₱900 milyon.

Sa kabila ng kawalan ng free-to-air franchise, nakikipag-partner ang ABS-CBN sa GMA Network para sa Pinoy Big Brother at patuloy na lumalakas sa digital platforms, kabilang ang 55M YouTube subscribers, pinakamalaki sa Southeast Asia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Share.