Timbog ang dalawang (2) drug suspect kabilang ang isang high value individual (HVI) at masabat ang nasa mahigit P690,000 halaga ng suspected shabu matapos makorner ang mga ito sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Barangay San Francisco, Magalang.
Batay sa ulat ni Pampanga Police Director Col.Eugene Marcelo Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Bartels”, 36 anyos na isang HVI at kasabwat nitong si “James”, 41 anyos na pawang residente sa naturang lugar.
Nadakip ang mga suspek makaraang maaktuhan na magkasabwat umanong nagbenta ng shabu sa undercover police.
Narekober sa mga suspek ang nasa 102 gramo ng suspected shabu na may standard drug price P693,600 at ang marked money na ginamit sa buybust.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

