MULING masusubok ang kakayahan ng mga batang karatekas, kabilang ang Karate phenom na si Raphael ‘Rapha’ Herrera sa nakatakdang Karate One Youth League sa Mayo 14-17 sa MOA Arena.
Ang kahandaan ng 13-anyos at Grade 7 sa Abba Orchard sa Pasig City ay sentro ng usapin sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayon ganap na 10:30 ng umaga sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.
Makakasama ng Batang Pinoy champion ang iba pang batang karate na sasabak sa prestihi-yosong torneo sa gabay ni National coach Engene Dagohoy sa programa na itinatagu-yod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.
Nagningning ang talento ni Herrera nang masungkit niya ang bronze medal sa 2nd Asian Youth Open Karate Championship & Training Camp (14-under) sa nakalipas na taon. Tulad nito ang Karate One Youth League ay nasa pangangasiwa ng Asian Karate Federation at sanctioned ng International Karate Federation at inaasahang lalahukan ng 1,000 atleta.
Inaanyayahan ni TOPS president Nympha Mia-no-Ang ang mga opisyal at miyembro gayundin ang mga sports enthusiast na makiisa sa programa na mapapanood din via livestreaming sa TOPS Sports facebook pagem Sports Corner, Bulgar Sports at Sportstek.ph.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

