Of Nora Aunor’s adopted children, tanging si Matet de Leon ang ayaw tumigil sa kapapatutsada tungkol sa isyu nilang magkakapatid.
Partikular na “pinagtitripan” ni Matet ay si lan de Leon.
As usual, usapin pa rin tungkol sa mana ang ugat ng lahat.
Kesyo nakasentro lang ‘yon sa nag-iisang biological child ng yumaong Superstar–wala sa mga ampon.
Bale ba, lalo lang lumaki ang isyu nang magpaunlak ng panayam si lan kay Rico Hizon.
Tapos na nating marinig ang saloobin ni Lotlot de Leon, bale si Matet na ang sunud-sunod na “bumabangka.”
But with Matet, hinahaluan niya ng patawa ang supposedly serious issue.
Tulad na lang ng huling post niya sa Facebook.
Ani Matet: “Post ko lang uli. Pag nakapagbigay ng impormasyon kung sino ang nagsabing naghahabol kami, may prize. Comment down below!!!”
Sagot naman ni Lotlot: “Hahahaha dami ko tawa hahahaha!”
Hirit ni Matet: “O, ‘di ba teh? Tawa tayo nang tawa!”
May nag-comment lang na ikina-bad trip ni Matet na hindi niya pinalampas.
Pabayaan na lang daw ang mana sa totoong anak, at ipagpasalamat na nabigyan sila ng maayos na buhay.
Buwelta ni Matet: “Mukha ba kaming may paki dyan sa picture na nakikita mo? Di mo ba gets?”
Isa pang reaksyon tungkol sa pagkakasira nilang magkakapatid: “Walang mana. Bastusan meron.”

Share.