May mga humuhula na ng ending ng world tour nina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Mauuwi daw kasi ito sa—hold your breath—kasalan!
Ayon sa tsika, ang wedding ay gaganapin daw sa abroad kung kaya’t nakabuntot na ang mga kapatid ni Kim.
Ang sabi pa, sumunod na rin daw ang mga magulang ni Paulo.
Ang wish daw kasi nina Kim at Paulo ay naroon ang kani-kanilang pamilya sa kanilang wedding day.
Base sa convo ng mga faney, tila hinding-hindi sila magpapahuli na may kasalan ngang magaganap pagkatapos ng world tour ng dalawa.
Looking forward sila sa araw na tatawaging Mrs. Paulo Avelino si Kim Chiu.
‘Yun ay ayon sa kanilang mga fans, na hindi pa rin sigurado kung magkakatotoo nga.
May mga nagsabi na may posibilidad na may kasalan ngang magaganap.
Pero common sense will dictate—wala pa ngang lantarang pag-amin mula sa dalawa, kasalan na ang pinag-uusapan?
Trending
- Karate star, panauhin sa TOPS Usapan
- Alex Eala ready kontra Frech sa Rome
- Matet, nagpatutsada sa mana
- Sarah, buntis?
- Kim-Paulo wedding, sa US gaganapin?
- Ceasefire epektibo pa rin kahit nagpalitan ng atake
- 20 katao sugatan sa banggaan ng jeepney, SUV sa Isabela
- Sulfur dioxide emissions ng Bulkang Taal tumaas

