Kilig at proud ang fans ni Lovie Poe matapos i-announce ng Variety ang bagong Hollywood project na kinabibilangan niya.
Makakasama ni Lovi sa pelikulang “Ignition” ang international stars na sina Maisie Williams at Rory Kinnear—isang London-based terror threat thriller na ipapakilala rin sa Cannes Film Festival ngayong Mayo.
Sa kanyang social media post, hindi maitago ni Lovi ang excitement.
“So excited to finally share this film I’ve been working on… IGNITION’s first look is out now,” saad nito.
Dagdag pa niya ang tila pa-tease sa fans: “The North remembers. Had to bring a little Game of Thrones energy.”
Matatandaang nauna nang nabanggit ng aktres ang tungkol sa project noong nasa Los Angeles siya, pero hindi pa niya ito puwedeng idetalye noon.
Ngayon nga ay opisyal na, kaya naman todo suporta at pagbati ang natanggap niya, kabilang na mula kay Charo Santos-Concio na nagsabing: “Congratulations… So happy for you.
Panibagong international milestone ito para kay Lovi na patuloy na gumagawa ng pangalan sa global scene.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects

