Kakatapos lang ng last leg ng concert nina Kim Chiu, Paulo Avelino, ang dami na agad nagtatanong kung ano ang susunod na ganap sa kanila.
Aba, super miss na miss na agad ng KimPaulandia sina Kim, Paulo na gusto na agad nilang makita on screen, ha!
Pero siyempre, marami nga ang nagchichika na hindi muna uuwi ang dalawa ng Pilipinas, dahil may mga dapat pa silang pasyalan, rampahan sa ibang bansa.
At kaaliw rin ang mga faney ng KimPau, na pati ang kulay ng mga susuutin ng dalawa sa ginanap na concert nila ay pahulaan talaga, ha! At bongga, dahil may premyo kapag tama ang sagot mo.
Limang KimPau fans nga ang nanalo ng datung, dahil tama ang hula nila na kulay dilaw ang suot nina Kim, Paulo sa Toronto concert nila.
Ang tanong ngayon, ito na ba talaga ang last leg? Ang balita nga kasi, dahil sa super successful ito, masusundan pa talaga, at abangan na lang kung saan-saang bansa sila magpupunta, o baka sa Pilipinas naman, ha!
Anyway, ibang level talaga ang kamandag ni Kim! Ang dami ngang naloka sa ginawa niyang pang-aakit kay Epy Quizon, ha!
Sa ipapalabas na episode ng serye, pulang-pula ang pormahan ni Kim (bilang Stella) mula sa kanyang damit, make-up, at mahabang wig. Dahil sa kanyang alindog, tila magiging madali sa kanya na maakit at mauto si Epy (Agent Correa).
Oh ‘di ba, new look ang atake! Kahit nga ang mga faney napa-wow sa aura ni Kim (Stella) sa eksena.
“Oh, Kim/Stella! The woman that you are, walking like the world adjusts to you, pati club nagmukhang runway sa presence mo gurl!”
“Ang ganda kung ito ‘yung kulay sa hair ni Kim sa umpisa pa lang.”
Well, sure naman na tututukan ng mga faney ang mga pasabog na eksena ni Epy dahil new scenes ito na isinama nila para mismo sa TV airing ng serye. Kabogera ‘di ba?
At oo, marami pang pasabog ang dapat abangan sa mga susunod na episode ng ‘The Alibi: Ang Buong Katotohanan’ na siguradong ikakagulat at ikakainis ng mga manonood.

Share.