Umapela si Tuesday Vargas sa mga may-ari ng puwesto sa palengke, canteen, at community pantry na tulungan ang mga magsasaka sa Benguet na nahihirapan umanong ibenta ang kanilang ani.
Sa isang Facebook post nitong Sabado, sinabi niyang tone-toneladang gulay ang hindi naibebenta dahil sa mataas na presyo ng gasolina.
Hinimok din niya ang publiko na makipag-ugnayan sa community leader para sa maayos na koordinasyon ng mga order, at tumanggap din umano ng cash donations para sa mga pamilya ng magsasaka sa hilagang Luzon na patuloy na nahihirapan.
“Sana po ay mahanap ninyo sa puso ninyong tumulong sa ating mga magsasaka na siyang gumagawa ng ating pagkain, kailangan po nila tayo. Salamat po,” sabi ni Tuesday.
Trending
- Waste-to-energy program isusulong
- Bagong PH Army chief, nangako na lilikha ng ‘future-ready force’
- Alien Employment Permit ng 6 Chinese kinansela
- Disbursing officer ni VP Sara inihalintulad ni Kapunan kay Superman
- Senado walang obligasyong ilabas draft report sa flood control scam
- Comelec naglunsad ng data privacy handbook
- Impeachment court nag-isyu ng subpoena sa 2 dating SDO
- Libreng high-speed Wi-Fi sa mga estudyante aprub

