Super happy ni Jane Oineza na nakatrabaho niya ulit si Joshua Garcia. Aba, ilang proyekto rin ang pinagsamahan nila noon, matapos nilang lumabas sa ‘Bahay ni Kuya’, ha!
At yes, marami nga ring faney ang dalawa, na nagsasabi ng bagay na bagay talaga sila. Kaya naman enjoy silang lahat ngayon na muli ngang nagsama sila.
“This is not the first time nga na nagka-work kami after PBB. Pero, it’s been a while. First time in a long time,” sabi ni Jane.
“Ito `yung first na mahaba natin,” hirit ni Joshua.
“Yes! Kasi doon sa nakaraan, sa movie, bitin ako, eh! Medyo nabitin ako noon. Hahahaha! Naka-dalawang araw lang ako doon!” sey ni Jane.
“Hindi, meron na pala tayo na nauna, `yung ‘Nasaan Ka Nang Kailangan Kita’,” sey pa ulit ni Joshua kay Jane.
“Oh, sige, after, after that…” sagot ni Jane kay Joshua.
“After, after ng mahabang panahon, nagkaroon tayo ng sariling buhay, ito ulit ‘yung nagsama tayo ng mahaba,” pagtutuwid ulit ni Joshua.
“Yes! Thank you sa pagpapaunlak!” hirit ni Jane kay Joshua.
“Wow! Hahahaha!” reaksiyon naman ni Joshua.
“Pero masaya ako na si Jane ay kasama ko ngayon. Kasi, nakakatuwa rin na mag-reunite ka sa mga dating ka-housemate mo. Sobrang comfortable namin sa isa’t isa. Bakit nga ba?” tanong ni Joshua kay Jane.
“Eh, kasi marami na tayong pinagdaanan! Parang `yung mga character natin dito sa serye,” sabi ni Jane, na ang tinutukoy nga ay ang ‘Love Is Never Gone’.
“Basta, ang masasabi ko lang, perfect din `yung character namin,” sabi ni Joshua.
Anyway, sumabak nga si Jane sa content video ng Prime Video Philippines na ‘Love Is Never Gone: When Is Love Gone?’, na kung saan ay sinabi nga niya na hard pass para sa kanya ang jowa na hindi marunong mag-sorry.
Well, naniniwala kasi ang aktres na dapat laging patas ang ginagawa ng mag-jowa sa isang relasyon, na agad din namang sinang-ayunan ng mga co-star niya sa serye na sina Ivana Alawi at Fyang Smith.
“Ako naniniwala ako na dapat marunong kayong mag-sorry pareho,” chika pa rin ni Jane.
At syempre, ekis din para kay Jane ang jowa na hindi marunong umamin sa nagawang pagkakamali.
“Ang mature relationship, you learn from each other,” proud na sey ng aktres.
Oh, di ba? Ang bongga ng sentiments niya?
Si Jane nga ang gaganap sa karakter na Larajean Loyola sa ‘Love is Never Gone’ ng ABS-CBN na mapapanood sa Prime Video.
In fairness, iba ang aura na dala niya dahil gaganap siya bilang nanloko raw na ex-girlfriend ni Teo (Joshua Garcia) sa serye.
Anyway, kasama rin sa serye sina Jameson Blake, Fyang, JM Ibarra, Dina Bonnevie, Ara Mina, Epi Quizon, at marami pang iba. Mapanood ang serye sa Prime Video simula Mayo 8.
Trending
- Timberwolves at Knicks, umusad sa NBA Playoffs
- NU Nazareth-B, tinalo ang hamon ng UB na maghari sa Shakey’s Division 2
- Jane Oineza nabitin kay Joshua Garcia
- Resort ni Angelica, ginagamit sa scam
- Ronnie Alonte, kinasuhan mga invited sa kasal
- US Embassy nagbabala sa operasyon vs NPA
- DFA binabantayan ang asylum application ni Zaldy Co
- PBBM: Edukasyon, kayamanang hindi mananakaw

