Beware of scammers.
Ito ang babala ni Angelica Panganiban makaraang matuklasan na ang negosyo nila ng asawang si Gregg Homan ay ginagamit ng sindikato para makapanloko.
Isang fake Facebook account ang nagpapanggap bilang official page ng negosyo nilang Mangrove Resort Subic.
Bukod sa pangalan nito, ginagamit din ang photos ng kanilang resort.
Paglilinaw ng Kapamilya actress, Mangrove only has one official FB page.
Winarningan ni Angelica ang mga netizens na huwag magpadenggoy sa FB page na hindi affiliated o konektado sa kanilang four-star Zambales resort.
Bukod sa huwag makipag-transact, huwag na huwag din ibibigay ang personal info, magpadala ng payment o anumang dokumento.
Nag-post din ng babala si Angelica sa kanyang Instagram account na may heading na: “Scam alert!”
Nakikipag-ugnayan na ang mag-asawang Angelica at Gregg sa mga kinauukulan tungkol dito.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

