Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na dalawang beses umanong bumisita si Vice President Sara Duterte sa BJMP facility sa Camp Bagong Diwa noong 2025, kung saan una niyang sinubukang puntahan si Ramil Madriaga ngunit nauwi sa pagbisita kay dating kongresista Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Sa pagdinig ng House Committee on Justice, sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na tumanggi umano si Madriaga na makipagkita sa Bise Presidente, kaya si Teves ang kanyang nakausap. Parehong nakakulong ang dalawa, si Madriaga sa kasong kidnapping at si Teves na nahaharap sa mga kasong kaugnay ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ayon sa NBI, nakumpirma ang mga pagbisita sa pamamagitan ng ulat ng jail warden, at humiling na rin ang ahensya ng CCTV footage at logbook ng mga bumisita bilang bahagi ng imbestigasyon.
Hiniling naman ni Rep. Janice Degamo na mailahad ang konkretong ebidensya ng umano’y pagbisita upang matiyak na hindi ito haka-haka o paninira lamang laban sa Bise Presidente.
Inihayag din ng NBI na may naitalang tangkang pananakit kay Madriaga sa loob ng kulungan, na agad nilang inimbestigahan, habang patuloy na sinusuri ang mga detalye kaugnay ng isyu sa gitna ng impeachment proceedings.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

