Isang patay na sperm whale ang natagpuan sa baybayin sa Sitio Ilo, Barangay Batohonan sa Viga, Catanduanes.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), natagpuan ang sperm whale noong Miyerkoles, Abril 29.
May haba ito na humigit-kumulang 25 metro at lapad na limang metro, at nasa advanced state na ng pagkabulok nang suriin, ayon kay Wheng Bricia-Briones, information officer ng BFAR, nitong Biyernes, Mayo 1.
Nagsasagawa na ng assessment at clearing operations ang BFAR katuwang ang lokal na pamahalaan upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng nasabing marine mammal at masiguro ang maayos na paghawak at disposisyon nito.
“Nakikipag-ugnayan din ang BFAR sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente habang isinasagawa ang clearing operations sa lugar,” pahayag naman ng MDRRMO Viga Catanduanes.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

