Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) ang isang Most Wanted Person (MWP) (Top 1 Municipal Level) sa operasyon ng pulisya sa bayan ng Plaridel noong Abril 29.
Sa ulat ni PLTCOL Restituto Granil, hepe ng Plaridel police station, kinilala ang naarestong akusado na isang 44-anyos na seafarer, residente ng Brgy. Tabang.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng istasyon laban sa akusado 2:40 ng hapon sa Brgy. Poblacion.
Nabatid na ang WOA sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code, kabilang ang dalawang bilang ng paglabag sa ilalim ng Art.266-A, Par. 1 (D), na inamyendahan ng RA 8353 at RA 11648, na inilabas ng Presiding Judge ng Family Court, Branch 8, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong Enero 5, 2023 na walang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Samantala, patuloy na pinaigting ni PCOL Jay Baybayan, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office ang kampanya laban sa mga MWP upang mapanagot ang mga ito sa kanilang nagawang paglabag sa batas at maihatid ang hustisya sa mga biktima.
Trending
- Sixers muling kinastigo ang Celtics
- DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng isang student-athlete
- Kathryn, engaged na
- lan, nagsalita na sa kasal ni Bea
- Derrick, plano nang magpatali!
- 4K magsasaka apektado ng matinding init sa Sarangani
- LTO: Walang blanket ban sa e-bikes, e-trikes
- Presyo ng gasolina, diesel tataas sa susunod na linggo

