Inamin ni Mark Herras sa panayam sa kanya sa Fast Talk With Boy Abunda na pinag-uusapan na nila ng kanyang asawang si Nicole Donesa ang pagtira sa United States pagdating ng tamang panahon.
In fact, nag-enroll na si Nicole ng kursong nursing bilang preparasyon sa balak nilang pagtira at pag-trabaho sa US.
“She’s gonna study again, si Nicole. Sa Pinas muna, nursing. That’s her dream, to be a nurse.
“Okay na, nakapasa na po siya sa Trinity. I’m really happy for her, kasi ito ‘yung dream niya talaga,” ang pahayag ni Mark.
“Sakto dual citizen naman si misis, and then ‘yung panganay ko naka-dual na rin, and then inaayos na rin ‘yung bunso ko and then after like four, five years, sabi niya gusto niya sa States mag-work, siyempre sa sweldo rin.
“Sabi niya, ipepetisyon daw niya ako. Sabi ko, ‘Whatever you want.’ Kung nasaan ‘yung mga bata, nandun ako, sabi ko,” sey pa ng aktor.
Pero aminado si Mark na hindi pa niya ma-imagine sa ngayon ang sarili na naninirahan sa Amerika at tuluyan nang lisanin ang mundo ng showbiz.
“Sa ngayon hindi ko pa ma-imagine yung self na I’m gonna leave showbiz. Wala nga akong ibang parang magandang kuwento sa buhay ko before my family kundi itong showbiz life ko lang.
“Kumbaga ito ‘yung mga na-experience ko sa industriyang ito. So ‘pag iniisip ko, four years from now, I’m gonna go to the States na, parang ‘Paano ako magtatrabaho du’n?’” aniya pa.
Nauna nang pinabulaanan ni Mark ang chikang naghiwalay na sila ng asawa pero aminado siya na nagkakaroon talaga sila ng hindi pagkakaunawaan.
“Malaking factor sa amin ni Nicole ‘yung buo ang pamilya para sa mga bata. And having those kids… wala akong laban diyan. So, kung nasaan sila, nandu’n ako,” aniya pa.

Share.