Sisibakin sa trabaho ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na mahuhuling nagsusugal, hindi lamang sa mga gambling house tulad ng casino kundi maging sa online, at mahaharap sa kaso.
Ito ang paalala ng Civil Service Commission (CSC) nitong Huwebes, sa lahat ng mga opisyales at empleyado ng gobyerno ukol kasabay ng paglalabas ng bagong panuntuan na nagbabala sa lahat ng public servants na nalululong sa anumang uri ng sugal lalo na sa Casino at online gambling.
Ayon sa CSC na pinamumuan ni Atty. Marlyn Barua-Yap, pinagtibay na ang Civil Service Commission (CSC) issued Resolution No. 2600111 o Policy on the Prohibition of Gambling among Government Officials and Employees” na unang inilabas noong Enero 19, 2026.
“The policy applies to all officials and employees of the national government, local government units, autonomous regional governments, state and local universities and colleges, and government-owned or -controlled corporations with original charters, unless otherwise provided by law,” ayon sa komisyon.
Layon umano nito na mailayo sa anumang uri ng sugal ang lahat ng opisyales at empleyado ng gobyerno upang mapatatag pa ang tiwala ng publiko sa pampublikong tanggapan hindi lamang sa nasyunal kundi sa lokal.
Base sa nasabing resolusyon, mahigpit na ipagbabawal pagpasok at pagsusugal sa mga casino, gambling housese at mga kahalintulad na pasugalan, land based pa ito o sea-based, hindi lamang loob kundi sa ibang bansa.
Kasama din sa ipinagbabawal na salihan ng mga opisyales at empleyado ng gobyerno ang mga online casinos, e-bingo, e-sabong at ibang internet-based betting na ginagamitan ng mga gadgets at maging ang pagpopromote sa mga ito.
“Participating in any other gambling activity—whether traditional, informal, private, social, cultural, or newly emerging. Organizing or facilitating such activities is also prohibited.,” ayon pa sa CSC.
“However, activities conducted exclusively for charitable, civic, or public welfare purposes—as well as games not prohibited by law—remain allowed, provided that participation does not create any appearance of impropriety or conflict of interest,” ayon pa sa CSC.
Upang maging matagumpay ito, hinikayat ng komisyon ang publiko na ireport sa CSC Contact Center ng Bayan ang mga opisyales at empleyado ng gobyerno na nalululong sa anumang uri ng sugat kung saan tiniyak na itatago ng mga ito ang pagkakilanlan ng mga magsusumbong.
Sinabi ng CSC na pagsasabihan muna ang mga mahuhuling nagsusugal sa unang paglabag subalit kapag umulit ito ay sususpendehin at kapag nahuli sa ikatlong pagkakataon at sisibakin na ang mga ito sa trabaho at maaari pang maharap ng kasong criminal at administratibo.
“Involvement in gambling may expose public servants to financial vulnerability and conflicts of interest, which can undermine impartiality and erode public trust. This prohibition reinforces the duty of all government personnel to consistently uphold integrity and professionalism in public service,” ani Barua-Yap.

Share.