Hawak na ng Oklahoma City Thunder ang 2-0 lead matapos pataubin ang Phoenix Suns sa ikalawang magkasunod na pagkakataon.
Muling gumawa ng dominanteng performance ang defending NBA champion at agad ipinalasap sa Suns ang 23-point deficit sa pagtatapos ng 3rd quarter.
Nagpumilit pa ang Phoenix na makabangon sa huling bahagi ng laban ngunit tanging 10 points lamang ang nakaya nitong burahin bago matapos ng regulation.
Sa ikalawang playoffs game ni Thunder guard Shai Gilgeous-Alexander ngayong postseason, nagawa niyang magpasok ng 37 points mula sa 13 shots na kaniyang naipasok at perfect 9 free throws.
Tig-19 points naman ang kontribusyon ng dalawang forward na sina Jalen Williams at Chet Holmgren.
Para sa Phoenix, pawang nakagawa ng impresibong performance ang big-3 ng koponan na sin Dillon Brooks, Jalen Green, at Devin Booker.
Gayunpaman, hindi naging sapat ang pinagsamang 72 points ng tatlo dahil inalat na ang iba pang player ng koponan.
May pagkakataon ang Suns na maitabla ang laban sa Game 3 kung saan gaganapin na sa Phoenix ang naturang laro.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

