Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Lunes na natanggap na nila ang tugon ng Meta kaugnay ng kahilingan ng pamahalaan para sa mas mahigpit at agarang aksyon laban sa pagkalat ng fake news sa kanilang mga platform.
Ayon sa DICT, kinikilala nila ang mga hakbang na inilatag ng Meta sa pagtugon sa disinformation at ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa gobyerno.
“However, the interventions highlighted in their reply fall short of directly addressing the urgency of the situation and the specific, time-bound actions we have requested,” pahayag ng DICT.
Binigyang-diin din ng ahensya ang epekto ng disinformation sa publiko, partikular ang posibleng banta nito sa public order at economic stability.
“We need clear commitments, faster enforcement mechanisms, and measurable outcomes aligned with the risks we are facing today,” dagdag pa nito.
Kasabay nito, iginiit ng DICT na nananatiling nakatuon ang gobyerno sa pagprotekta sa freedom of expression, ngunit hindi umano ito maaaring gamitin para sa pagpapakalat ng maling impormasyon na nagdudulot ng panic, nagpapahina ng tiwala sa institusyon, at nagbabanta sa kaayusan.
Nakatakda namang makipagpulong ang DICT sa Meta upang itulak ang mas konkretong hakbang para sa proteksyon ng mga Pilipino online.
“If these discussions do not result in meaningful improvements, the government will not hesitate to pursue stronger regulatory and enforcement measures. Hindi tayo titigil hanggang sa masiguro nating ligtas ang digital space ng bawat Pilipino,” ayon pa sa ahensya.
Trending
- DUTERTE SA ICC: DOUBLE “BLACK-EYE”
- GRANDSLAM ROLLBACK NEXT WEEK SA OIL PRICE
- NU Nazareth panalo sa depensa ng titulo ng Shakey
- La Salle makakarating sa finals postseason
- Sang’gre, nag-last taping na
- Jayda, iniyakan si Darren
- Lotlot, ‘di umaten sa misa para kay Ate Guy
- OWWA humihingi ng dagdag na P12B budget

