Nagbitiw na bilang chairman ng Globe Telecom si Jaime Augusto Zobel de Ayala matapos ang halos tatlong dekada sa puwesto, at pinalitan ng beteranong Ayala executive na si Cezar Consing.
Sa disclosure ng kompanya, pinili ng board si Consing bilang bagong chairman sa isinagawang organizational meeting nitong Abril 21, kasunod ng annual stockholders’ meeting ng Globe.
Matatandaang nagsilbi si Zobel, o mas kilala bilang “Jaza,” bilang chair ng Globe mula pa noong 1996 at bahagi na ng board mula 1989.
Bagama’t hindi tinukoy ang dahilan ng kanyang pagbibitiw, kinilala ng kompanya ang malaking ambag ni Zobel sa paglago ng Globe, mula sa pagiging cable company hanggang sa maging isa sa nangungunang digital telco at mobile network operator sa bansa.
“Globe would not be the institution it is today without Jaza’s vision,” ayon sa kompanya.
Sa kabila ng kanyang pag-alis sa posisyon, mananatili pa rin si Zobel na bahagi ng negosyo sa pamamagitan ng Asiacom Philippines Inc., isang joint venture ng Ayala Corporation at Singapore Telecommunications Ltd.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

