Arestado ang isang Chinese at isang Malaysian national ng mga operatiba ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) nang mahuli ang kanilang sasakyan na gumagamit ng pekeng plaka sa Roxas Boulevard, Pasay City.
Sinabi ni HPG spokesperson PLt. Nadame Malang na hindi nakapagpakita ng kaukulang dokumento ang mga suspek kaya isinailalim sa inspeksyon ang sasakyan. Doon nadiskubre ang apat na bonnet, isang airsoft gun at mga bala.
Ayon sa ulat, tinangka rin umanong suhulan ng P200,000 ang mga pulis kapalit ng kanilang kalayaan at pagkuha sa sasakyan.
Inaalam pa ng HPG kung may kaugnayan ang dalawa sa isang carnapping group dahil sa mga nakuhang ebidensya.
Sa profiling, lumabas na walang record of entry sa bansa ang dalawang dayuhan. Nadiskubre rin na ang Malaysian national ay dati nang nahaharap sa dalawang kaso kaugnay ng illegal drugs at baril.
Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong corruption of public officials at iba pang posibleng paglabag.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

