Masusing iniimbestigahan ng Manila Police District (MPD) ang insidente ng sabayang pagkamatay ng dalawang indibidwal sa isang condominium sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi.
Kinilala sa pangalang Jovanie Alsa ang isa sa biktima habang ang isa pa patuloy pang inaalam ang pagkakilanlan.
Sa inisyal na ulat ng MPD, nadiskubre ang insidente 9:00 ng gabi kung saan ang isang lalaki, natagpuan sa ground floor ng Building 2 ng Urban Deca Homes sakop ng Barangay 94,Tondo.
Habang ang isa naman, nadiskubre sa ikawalong palapag ng naturang gusali .
Sa salaysay ng nakasaksi sa pangyayari, pabalik na sila sa kanilang unit nang makarinig ng mga nagsisigawan at narinig ang salitang “Tulong! Tulong” sa loob ng unit 872.
Agad naman silang tumawag ng tulong sa naka-duty na guard kung saan kinatok ang pinto ng nasabing unit nguni’t walang sumasagot.
Kalaunan, nakita nila ang isang lalaki na tumatakbo sa Hallway na duguang hubot-hubad kung saan doon na siya bumagsak.
Itinakbo siya sa Tondo Medical Center nguni’t idineklarang dead on arrival dahil sa matinding tama sa ulo na umano’y pinokpok.
Habang inaalam pa ng mga awtoridad kung tumalon o itinulak naman ang biktima ng si Alsa sa hindi pa rin malaman kong anong palapag ng gusali ito nagmula.

Share.