Naaresto ang anim katao sa iba’t-ibang lugar sa bansa nang mag-alok ng hindi awtorisadong dental services online.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nahuli ang mga indibidwal sa mga isinagawang operasyon nitong buwan ng Abril.
Kabilang dito ang dalawang babae na may edad 36 at 24, at isang lalaki na 32-anyos na inaresto sa Ormoc City noong Abril 7 at Abril 11.
Gayundin ang 35-anyos na lalaki na nahuli sa Virac noong Abril 7, at 21-anyos babae sa Iloilo at 22-anyos na lalaki sa Zamboanga City noong Abril 10.
Haharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Philippine Dental Act of 2007 at Cybercrime Prevention Act of 2012, ayon pa sa PNP.
Trending
- DUTERTE :ICC HATOL NGAYON
- ELECTION POSTPONEMENT “UNCONSTITUTIONAL”
- ROMUALDEZ PA-SINGAPORE,PINIGIL
- Bimby, Vic muling nagkita
- Jinkee, ibinida bonding sa apo sa LA
- DJ Jellie Aw inasar pa mga kontra sa lovelife nila ni Jam Ignacio
- Lakers, pinadapa ang Rockets
- Lanete handa na sa homecoming kasama ang Lyceum Juniors

