Tinutugis na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang hindi pa nakikilalang motorista na tumakas matapos magpakarga ng gasolina nang hindi nagbabayad sa isang gasolinahan sa Barangay Payatas nitong Lunes.
Ayon kay QCPD Director PBGen. Randy Glenn Silvio, naganap ang insidente 3:10 ng madaling araw.
Sa ulat ng pulisya, kakakarga pa lamang ng gasoline na nagkakahalaga ng P1,500 sa isang puting Toyota Vios nang tangkain ng pump attendant na singilin ang driver.
Nguni’t sa halip na magbayad, bigla umanong humarurot ang motorista at tumakas patungo sa Payatas Road, papuntang Litex area sa Barangay Commonwealth.
Naiulat ang insidente 8:00 ng umaga at agad namang rumesponde ang pulisya. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng QCPD upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at mapanagot ito sa insidente.
Trending
- Charly Suarez pinatumba si Avila sa Round 1
- Spain kampeon sa 2026 FIFA World Cup
- Andrew E, nag-mini concert sa graduation ng int’l school
- Maja, tinuruang lumangoy ang baby
- Blind item, tinumbok: Iza Calsado at asawa
- Parak sapol ng stray bullet sa away 2 grupong Moro
- Pulis patay sa pagresponde sa gulo sa videoke bar
- Ligtas na access sa WPS mahalaga

