Nasawi ang lider ng isang grupong kriminal sa isang engkuwentro sa Santo Tomas, Isabela.
Ayon sa Police Regional Office-Cagayan Valley (PRO-2), nangyari ang insidente noong Abril 16, kung saan kinilala ang suspek na si Nicolas Domingo Magsanoc.
Matapos masugatan ng isang magsasakang si Michael Melad sa Delfin Albano nang barilin ni Magsanoc.
Tumakas naman ito sakay ng motorsiklo kasama ang dalawa pang kasamahan, kabilang ang isang high-value individual sa ilegal na droga.
Nahabol naman ito ng mga pulis sa Barangay Barunbun at nagkaroon ng barilan kung saan nasawi si Magsanoc, na tinukoy na lider ng Magsanoc Criminal Group at kabilang sa watchlist.
Naaresto naman ang kanyang mga kasamahan at patuloy pa ang follow-up na imbestigasyon ng mga awtoridad.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

