Patay ang dalawang katao nang sumiklab ang sunog na nagsimula sa pagsabog ng isang acetylene tank sa isang bahay sa Dasmariñas City, Cavite.
Nangyari ang insidente 9:00 ng umaga noong Huwebes, Abril 16, sa isang bahay sa Diamond Village sa Barangay Salawag.
Sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, sinabi ng mga kapitbahay na nakarinig sila ng malakas na pagsabog mula sa naturang bahay na umalingawngaw pa sa kalapit na lugar bago tuluyang kumalat ang apoy.
Agad namang rumesponde ang mga bombero at emergency team ng lungsod upang apulahin ang sunog.
Deklaradong fire out ang insidente 9:55 ng umaga sa pangangasiwa ng BFP Dasmariñas.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad nakita ang ang labi ng dalawang nasawing biktima na kinilala sa mga alyas na Brayan, 20, at Honorio Magpantay, 65.
Natagpuan ang kanilang mga katawan sa veranda at labas ng nasunog na bahay.
Sa update ng mga awtoridad, itinuturong sanhi ng sunog ang pagsabog ng isang acetylene tank na nagdulot ng matinding pinsala sa istruktura ng bahay bago pa ito lamunin ng apoy.
Patuloy pang inaalam ang kabuuang halaga ng pinsala.
Nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang kung mayroong may pananagutan sa insidente.
Samantala, pinapaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na maging maingat sa paggamit at pag-iimbak ng mga flammable materials upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya.
Trending
- Pinas, magho-host ng 2026 Asia and Oceania Sambo Championships sa Hunyo
- Alex Eala, handa na para sa Madrid Open WTA 1000
- Enchong Dee ibinunyag masamang karanasan sa Air France
- Charlie Puth magko-concert sa ‘Pinas
- Britney Spears nagpa-rehab dahil sa alak, droga
- Crime gang leader todas sa engkuentro sa Isabela
- Lider ng Magsanoc group patay, 2 huli sa engkuentro
- 2 katao patay sa sumabog na acetylene tank

