Gigil na gigil ang sabunutan nina Kim Chiu at Sofia Andres!
Ngunit ito ay para sa teleseryeng “The Alibi: Ang Buong Katotohanan.”
Nagsimula ang tensyon sa matinding bangayan ng kanilang mga karakter na sina Stella at Claudia matapos magparinigan tungkol sa isyu ng pagtataksil.
Hindi nagpaawat ang dalawa hanggang sa mauwi sa eskandalo ang kanilang sagutan sa harap ng publiko.
Lalong uminit ang eksena nang buhusan ng inumin ang karakter ni Kim, na agad nitong ginantihan—hanggang sa tuluyang magkasabunutan ang dalawa sa gitna ng galit at emosyon.
Agad itong pinag-usapan ng netizens dahil sa tindi ng eksena at sa pagiging kapani-paniwala ng pagganap ng dalawang aktres.
Inaasahang mas lalo pang iigting ang mga susunod na tagpo habang unti-unting nabubunyag ang mas malalalim na lihim ng mga karakter sa serye.
Trending
- MAYWEATHER-PACQUIAOREMATCH: A 12-ROUND,$400-M PROFESSIONAL BOUT
- Eala sibak kay Fil-Can Fernandez sa Stuttgart
- Doncic, Reaves malabong maglaro sa playoffs kontra Rockets
- KC Concepcion inaming ‘in between’ sa pamilya nina Sharon at Gabby
- Kim Chiu, Sofia Andres nagsabunutan
- Heart Evangelista naospital sa anxiety
- 1 miembro ng Hizon robbery group todas sa bakbakan
- Rapper na si Hev Abi huli sa ‘di lisensiyadong baril

