Napaiyak si Heart Evangelista nang maalala ang panahong hindi sila masyadong nag-uusap ng kanyang inang si Cecilia Ongpauco
Nang sumalang sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ni Heart na ngayon ay mas naunawaan niya ang pagiging mahigpit nito sa kanya.
“Dragon kasi ang mommy pero ‘yun ang way nya ng pagmamahal,” ani Heart. “A mother would do everything to protect her daughter.”
Kapag naiisip umano niya na naging malamig ng ilang taon ang kanilang relasyong mag-ina ay na-iiyak siya lalo’t nakikita na niyang tumatanda na at bumabagal na ang kilos ng kanyang ina.
“Ngayon kung puwede ko lang i-turn back time kasi gusto ko ng additional years together… narealize ko na tumatatanda na siya,” ani Heart.
Nang hingan kung ano ang mensahe niya sa kanyang ina:
“Siguro thank you for loving me so much. Makikipagpatayan talaga siya para sa akin kasi siya talaga nakakaalam ng laman ng puso ko. So thank you dahil as years go by hindi nya nakalimutan kung sino ako and salamat kasi hindi ko mararating yung narating ko ngayon kung hindi dahil sa kanya.”
“Kahit gaano ka tough siya sa akin nun ang laki ng inayos ng buhay ko kahit anong nangyari sa akin ‘yung decision making ko siya lahat ‘yun eh. And the character na akala ko nawala sa akin na pagiging matapang siya rin pala ‘yun pumasok din pala sa akin
“I’m so blessed we’re all so blessed to have mothers, parents kaya kung malayo kayo sa mga magulang nyo it’s not worth whatever success, money, time is priceless,” sey pa ni Heart.

Share.