Pumanaw na ang kauna-unahang American na nakaabot sa tuktok ng Mount Everest na si Jim Whittaker sa edad na 97.
Kinumpirma ng kaniyang anak na si Leif ang pagpanaw ng ama sa kanilang bahay sa Port Townsend, Washington dahil na rin sa edad nito.
Nakamit nito ang record noong Mayo 1, 1963 at mula noon ay tinagurian siyang bilang inaabangan na mountaineers ng ilang dekada.
Noong ito ay may edad 83 ay muling umakyat ito sa Everest kasama ang kaniyang pamilya.
Kinilala bilang si “Big Jim” ay isinilang siya sa Seattle , Washington noong Pebrero 10, 1929 at nagsimula itong umakyat sa bundok kasama ang kambal nito na si Lou bilang Boy Scouts noong 1940.

Share.